Human trial ng Moderna vaccine laban sa COVID-19 naging matagumpay

Naging matagumpay ang human trial ng experimental vaccine laban sa COVID-19 ng kumpanyang Moderna sa Amerika.

45 volunteers ang sumailalim sa trial para sa bakuna.

Sa mga tumanggap ng bakuna, wala ni isa ang nakitaan ng seryosong side effect.

Mahigit kalahati naman ang nakaranas ng mild o moderate reactions gaya ng fatigue, headache, chills, muscle aches o pain sa bahagi ng katawan kung saan itinurok ang bakuna.

Ayon sa research team, normal na side effects ng bakuna ang mga naranasan lalo na pagkatapos ng second dose.

Ang Moderna ang unang kumpanya na nakapagsagawa ng human testing ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Read more...