Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 139 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 12,482 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,401 na lang ang aktibong kaso.
May naitala naman 45 na dagdag na nasawi, sa ngayon mayroong 597 na nasawi sa COVID-19 sa Central Visayas.
Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 299 dahilan para umabot na sa 5,187 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,589 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,160
Mandaue City – 1,324
Lapu-Lapu City – 1,291
Negros Oriental – 64
Bohol – 54
Siquijor – 0