Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Muli pang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 185.45 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (July 15) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 185.97 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.16 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.33 habang bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 77.60 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 77.53 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.