Bahagi ng Malabon sasailalim sa lockdown

Sasailalim sa 15 araw ng lockdown ang ilang bahagi ng Malabon City.

Ang pagpapatupad ng localized lockdown ay kasunod ng pulong at pag-apruba ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID).

Sa Facebook page ng city government ng Malabon kabilang sa sasailalim sa lockdown ang mga sumusunod na lugar:

• Bahagi ng P. Concepcion at Tumariz sa Barangay Tugatog
• University Avenue Extension at Guava Street sa Barangay Potrero
• 1st, 2nd, 3rd, 4th Streets at C4 Road sa Barangay Tañong
• Gozon Letre at Phase 1 sa Barangay Tonsuya
• Block 14 C sa Barangay Longos

Ang lockdown ay uumpisahan bukas, July 16 at tatagal hanggang sa July 30.

 

 

Read more...