DepEd hinimok ang mga magulang na ipa-enroll ang kanilang mga anak ngayong huling araw ng enrollment

Ngayong araw, July 15, 2020 ang huling araw ng enrollment para sa mga pampublikong paaralan.

Hinikayat ng DepEd ang mga magulang na ipatala na ang kanilang mga anak na hindi pa nakapagpapa-enroll.

Hindi kailangang magtungo sa mga paaralan para makapag-enroll sa halip ay kailangan lamang makipag-ugnayan sa mga guro sa pamamagitan ng text o tawag.

Kailangan lamang mag-fill up ng form na gagamitin para marehistro ang mag-aaral.

Sa pamamagitan ng nasabing form ay malalaman din ng DepEd ang kakayahan ng pamilya ng bata na suportahan ang iba’t ibang pamamaraan ng pag-aaral.

Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa DepEd Public Assistance Command Center sa mga sumusunod:

☎️ (02) 8636-1663, (02) 8633-1942
📱 0919-456-0027, 0995-921-8461
(mula 8 a.m. hanggang 1 p.m.)

📨 action@deped.gov.ph
💻 DepEd Philippines Facebook page
(available 24/7)

Maaari ring tumawag sa #OplanBalikEskwela hotlines sa inyong lugar:  https://bit.ly/OBE2020hotlines

 

 

Read more...