‘Glee’ star Naya Rivera nasawi dahil sa pagkalunod

‘Accidental drowning’ ang ikinasawi ni Glee star Naya Rivera.

Pahayag ito ng medical examiner ng Ventura County kasunod ng mga spekulasyon ng mga fans at netizens na nagpakamatay ang aktres.

Matapos ma-recover at makilala ang katawan ng 33 anyos na si Rivera ay agad itong isinailalim sa otopsiya.

At base sa resulta ng autopsy, aksidente ang pagkakalunod ng aktres.

Nakasaad din sa resulta ng otopsiya na walang indikasyon na gumamit ng droga o uminom ng nakalalasing na inumin si rivera.

Si Rivera ay pinaghahanap sa loob ng limang araw matapos biglang mawala sa kasagsagan ng boating trip kasama ang kaniyang anak.

 

 

Read more...