Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 690 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Martes, July 14, 3PM), nakapagtala ng 8 na bagong kaso kaya umabot na sa 690 ang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 133
San Pedro (BJMP) – 42
Biñan (Larger Community) – 217
Biñan (BJMP) – 11
Santa Rosa – 96
Calamba – 54
Los Baños – 12
Cabuyao – 54
San Pablo – 17
Santa Cruz – 4
Bay – 9
Calauan – 17
Alaminos – 8
Victoria – 2
Nagcarlan – 6
Liliw – 2
Pagsanjan – 1
Majayjay – 1
Cavinti – 1
Magdalena – 1
Rizal – 1
Mabitac – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 65.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 644.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,399.

Samantala, nasa 2,705 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

Read more...