Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 638

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, July 13) , nadagdagan ng 33 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 638 habang 464 ang active cases.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na ito sa 107.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,209.

 

 

Read more...