Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magkasunod na lindol

Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 133 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-2:47 madaling araw ng Miyerkules (July 15) at may lalim na 74 kilometers.

Naitala naman ang magnitude 3.2 na pagyanig sa 74 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Governor Generoso, alas-3:27 ng madaling araw at may lalim na 17 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...