DFA consular office sa Cubao, QC sarado sa July 15

Sarado ang Department of Foreign Affairs (DFA) Consular Office sa NCR Northeast sa bahagi ng Ali Mall Araneta Center sa Cubao, Quezon City sa Miyerkules, July 15.

Ayon sa kagawaran, ito ay dahil magsasagawa ng disinfection sa nasabing opisina sa gitna ng banta ng COVID-19.

Magbabalik-operasyon naman ang CO NCR Northeast sa araw ng Huwebes, July 16.

Pinayuhan ang mga aplikante na may schedule o appointment sa nasabing petsa na maaari silang ma-accommodate hanggang August 14 tuwing regular office hours.

Humingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko.

Read more...