Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 1,239 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 7:00, Martes ng gabi (July 13), 1,239 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

648 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,366 ang suspected cases.

Umabot naman sa 521 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...