Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (July 14, 3:00 PM) nakapagtala ng 63 na bagong kaso kaya pumalo na sa 3,980 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 921
Laguna – 1,336
Batangas – 467
Rizal – 1,052
Quezon – 204
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 2,037.
Nasa 1,699 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 77 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 544
Batangas – 232
Rizal – 432
Quezon – 158
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng tatlo kaya umabot na ito sa 244.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 53
Laguna – 55
Batangas – 34
Rizal – 90
Quezon – 12
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay