The Medical City, nagdeklara na rin ng full capacity para sa COVID-19 patients

Inanunsiyo ng pamunuan ng The Medical City (TMC) na umabot na sa full capacity ang kanilang allocated beds para sa mga pasyenteng apektado ng COVID-19.

Sinabi ng TMC na ayaw nilang makompromiso ang serbisyo sa kanilang general patients.

“We are fully aware that this is a looming problem, but we cannot go beyond our capacity to take care of COVID-19 patients without posing serious risks to everyone – both the patients (COVID and non-COVID) and our hospital staff,” pahayag ng ospital.

Humingi naman ng pang-unawa ang ospital at inirekomenda na ikonsidera ang pagdala ng critically-ill COVID-19 patients sa iba pang institusyon.

Mahigpit din silang nakikipag-ugnayan sa Pasig City government ukol sa public-private partnership sa Pasig City Children’s Hospital (PCCH) bilang COVID center para sa “moderate” cases.

Tiniyak naman ng TMC na hindi nakokompromiso ang pagbibigay nila ng atensyong-medikal.

“We emphatize with the COVID patients but we are just as committed to provide quality services and secure the facilities strictly allocated for non-COVID-19 cases,” dagdag nito.

Read more...