Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Yumanig ang magnitude 4.2 na lindol sa Occidental Mindoro.

Sinabi ng Phivolcs na tumama ang lindol sa layong 30 kilometers Northwest ng Lubang bandang 2:15 ng hapon.

19 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Sinabi ng ahensya na wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan at iba pang karatig-lugar.

Wala ring naitalang aftershocks at intensities bunsod nito.

Read more...