Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 4,537 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (July 14).
Sa nasabing bilang, 4,462 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
4,437 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,694 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
2,483 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 260 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 3,160 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES