Higit 28,000 kaso ng COVID-19, nadagdag muli sa India

Mahigit 28,000 muli ang napaulat pang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 14), pumalo na sa 906,752 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 311,565 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 17,989 ang mga gumaling.

Dahil dito, 571,460 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 23,727 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...