Mga manggagawa ng ABS-CBN na apektado ng pagbasura prangkisa, dapat ayudahan ng DOLE

Pinatutulungan ni ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga apektadong manggagawa ng ABS-CBN matapos ibasura ng komite sa Kamara ang hiling nitong panibagong prangkisa.

Hiniling ni Tulfo sa DOLE, bigyan ng cash aid at job-matching assistance ang nasa 11,000 manggagawa ng network.

Kailangan aniyang matulungan ang mga empleyado na naipit sa problema sa prangkisa sa pamamagitan ng paghahanap ng ibang malilipatan na trabaho sa ibang broadcast company.

Paliwanag ng kongresista, moral obligation ng pamahalaan na bigyang ayuda ang mga apektadong manggagawa lalo’t nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic.

Iminungkahi rin nito na isali ang mga displaced ABS-CBN worker sa P5,000 one-time cash assistance ng DOLE.

Read more...