Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) phase 1 at 2 noong June 1 hanggang July 12.
Sa datos ng DOTr, nasa 6,702,192 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.
Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang 30.
Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 2,343,824
LRT-2 – 655,734
MRT-3 – 1,351,441
PNR – 307,083
Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines mula July 1 hanggang 12:
LRT-1 – 1,278,540
LRT-2 – 342,143
MRT-3 – 251,565
PNR – 171,862
Matatandaang nagkaroon ng temporary shutdown ang MRT-3 mula July 7 hanggang 12 matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan ng tren.