Higit 230,000 pasahero, naserbisyuhan ng Bus Augmentation Program ng MRT-3

Umabot na sa 234,739 pasahero ang naserbisyuhan ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay naitala simula nang ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila noong June 1 hanggang July 13.

Nasa 90 bus units pa rin ang naide-deploy kada araw sa mga istasyon ng MRT-3.

Umabot na rin sa 16,742 ang naisagawang bus trip.

Nagsisimula ang biyahe bandang 4:00 ng madaling-araw hanggang 9:00 ng gabi.

Narito ang mga sumusunod na bus stop:

Southbound:
North Avenue (Loading only)
Quezon Avenue (Loading/Unloading)
Ortigas (Unloading only)
Guadalupe (Unloading only)
Ayala (Unloading only)
Taft Avenue (Unloading only)

Northbound:
Taft Avenue (Loading only)
Ayala (Loading and Unloading)
Guadalupe (Unloading only)
Ortigas (Unloading only)
Quezon Avenue (Unloading only)
North Avenue (Unloading only)

Istrikto namang ipinatutupad ang 3-minute regular dispatch schedule sa mga bus.

Read more...