Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, mula sa kasalukuyang 30 percent, itataas na sa 50 percent ang dining capacity sa mga lugar na nasa general community quarantine gaya ng Metro Manila.
Magiging epektibo aniya ang bagong guidelines sa July 21.
Sinabi pa ni Lopez na ang mga lugar na nasa modified general community quarantine, itataas naman sa 75 percent ang dining capacity mula sa kasalukuyang 50 percent.
Magiging epektibo naman aniya ito simula sa July 21.
“Dahil po doon, inumpisahan po yan ng June 21, yung 30 percent capacity ng dine in restaurants in GCQ areas, yun po ay maaddjust na rin po sa July 21 to 50 percent. From 30 percent to 50 percent sa GCQ areas. Ganun din po sa modified GCQ, from 50 percent naman po sila to 75 percent. ang strikto pa rin pong papairalin pa rin doon yung social distancing pagkatapos po, siguraduhing maganda yung ventilation, yung exhaust system at kung saan po puwede magkaroon ng mga clear acrylic dividers para po yung mga medyo magkakatabi or hindi eksaktong magkatapatan, siguradong safe sila at hindi magspread ang disease sa mga kumakain na customers,” pahayag ni Lopez.
Umaapela din aniya ang Department of Trade and Industry sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na palawigin pa ang kanilang curfew hours ng hanggang 12:00 ng hatinggabi sa halip na 10:00 ng gabi para kumita ang mga restaurant at mga manggagawa.
“Ang dinner po will acccount to 40, 50 percent of the revenue sa isang araw. Kung mapuputol po nang maaga, bawas kita po sa ating mga manggagawa at micro, small, medium enterprise,” pahayag ni Lopez.