Global death toll sa COVID-19 mahigit 575,000 na

Sumampa na sa mahigit 575,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 575,525 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 138,247.

Ang Mexico na ngayon ang panglima sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming bilang ng nasawi matapos maungusan ang death toll ng Italy.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 72,921
UK – 44,830
Mexico – 35,491
Italy – 34,967
France – 30,029
Spain – 28,406
India – 23,727
Iran – 13,032
Peru – 12,054

Sumampa naman na sa mahigit 7.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 4.9 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...