Bagyong Carina papalayo na ng Batanes, patungo na ng Taiwan ayon sa PAGASA

Papalayo na sa lalawigan ng Batanes ang tropical depression Carina at patungo na ito ng southern portion ng Taiwan.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 155 kilometers west ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa blis na 25 kph sa direksyong northwest.

Nananatiling nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.

Ang bagyo ay maghahatid pa rin ng kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Norte.

Inaasahang hihina ang bagyo at magiging isang Low Pressure Area na lamang.

 

Read more...