34 na COVID-19 patients sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center gumaling na

Aabot sa 34 na pasyente ng COVID-19 ang gumaling na at na-discharge sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Sa Facebook page ni Manila Mayor Isko Moreno, ibinahagi nito ang larawan ng ilang pasyente napauwi na matapos gumaling.

Ayon kay Moreno, sa 34 na gumaling na pasyente, 25 sa kanila ay mayroong Chronic Kidney Disease.

Ang mga may sakit sa kidney ay sumasailalim sa maintenance hemodialysis sa Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center.

Libre ang dialysis sa nasabing pasilidad para sa mga residente ng Maynila.

 

 

Read more...