Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus kailangang malaman kung sino ang mga bumoto ng YES sa committee report na huwag i-renew ang prangkisa ng network.
Ito aniya ay para sa transparency at impormasyon ng lahat sa nasabing usapin na kinakaharap ng bansa.
Giit ni Rodriquez, “I call for the official release of the 70 members who voted yes. This is for transparency and information to all on this very important issue facing our country today”.
Naniniwala naman si House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na walang dahilan upang hindi ilabas ang listahan dahil bahagi ito ng proceedings na nangyari.
Karapatan anya ng publiko na malaman ang boto ng kanilang nga kinatawan sa kongreso.
“No reason at all to withhold release of the list as it is part of an official public proceedings. The principles of transparency and accountability dictate that the public be informed how theirs representatives voted on this very crucial issue,” ani Zarate.
Hihilingin naman ni Albay Rep. Edcel Lagman kay House Secretary General Jose Luis Montales na maglabas ng certified true copy ng resulta ng botohan.