Mahigit 700 Overseas Filipinos nakauwi sa bansa kahapon

Mayroong mahigit 700 Pinoy pa ang dumating sa bansa kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), napauwi kahapon ang 410 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na stranded sa Lebanon.

Ito ang ikalawang chartered flight ng DFA para ilikas ang mga Pinoy sa Lebanon.

Samantala, mayroon ding 350 pang Pinoy na mula naman sa Saudi Arabia ang nakauwi na rin sa bansa.

Sumailalim sa swab test ang lahat ng dumating na Pinoy at sasailalim sila sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

 

 

Read more...