Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 185.97 meters alas-6:00 umaga ng Martes (July 14) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 186.15 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.33 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 99.30 habang bahagyang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 77.53 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 77.36 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

 

 

Read more...