Talacogon, Agusan del Sur niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Agusan del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 30 kilometers northwest ng bayan ng Talacogon, alas-6:16 umaga ng Martes (July 14).

May lalim na 30 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...