Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 214 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 12,327 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,588 ang aktibong kaso at mayroong 552 na nasawi.
Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 161 dahilan para umabot na sa 5,187 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,520 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,118
Mandaue City – 1,311
Lapu-Lapu City – 1,268
Negros Oriental – 64
Bohol – 46
Siquijor – 0