Dagdag-presyo sa produktong petrolyo epektibo na

Epektibo na ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, July 14.

Dagdag na 30 centavos sa kada litro ng diesel, 65 centavos sa kada litro ng gasolina at 40 centavos sa kada litro ng kerosene ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.

Epektibo ang oil price hike ng mga kumpanyang Shell, Petron, Seaoil, Flying V, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total, at Petro Gazz alas 6:00 ng umaha.

Alas 12:01 naman ng madaling araw ang oil price hike ng Chevron Philippines Inc. (Caltex),

Habang mamayang alas 4:01 ng hapon pa ang dagdag presyo ng Cleanfuel.

 

 

Read more...