San Policarpo, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 64 kilometers northeast ng bayan ng San Policarpo, alas-5:14 madaling araw ng Martes (July 14).

May lalim na 85 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...