Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 35 kilometers West Southwest ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilo,eters bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes at sa Babuyan Islands.
Ngayong araw, ang bagyo ay maghahatid ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.
Inaasahan din na ngayong araw o bukas ng umaga ay hihina na ito at magiging isang Low Pressure Area na lamang.