Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 322 na kaso hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (July 13).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are 11 case in the community, of whom two are Singaporeans/Permanent Residents and nine are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Maliban dito, mayroon ding limang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
“The higher number of cases today is mainly due to fewer tests being conducted by the COVID-19 testing laboratories over the public holiday and weekend on 10 July and 11 July, with the backlog of samples being cleared from 12 July. The number of cases reported for 9 July and before were not affected,” paliwanag nito.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 46,283 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.