Higit 15 pang Filipino sa abroad, tinamaan ng COVID-19

Mahigit 15 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 13, umakyat na sa 8,869 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 64 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,975 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,276 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 618 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,429 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,053 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 699 naman ang kaso sa Americas at 688 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...