Kalamansig, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 44 kilometers southwest ng bayan ng Kalamansig, alas-2:15 hapon ng Lunes (July 13).

Naitala ang intensity 3 sa Kalamansig and Lebak, Sultan Kudarat.

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...