Hinimok nito ang Kamara na isama ang naturang tulong-pinansyal sa Bayanihan 2 o We Recover as One Law.
Ayon kay Romero, dapat tumanggap rin ang private school personnel ng P5,000 hanggang P8,000 o katumbas ng ipinagkaloob sa low-income families, depende kung nasaang rehiyon sila.
Ipinunto ng kongresista na hindi gaya sa public schools, walang kita ang mga guro sa mga pribadong paaralan hangga’t hindi nagbubukas ang klase sa Agosto.
Kung tumanggap na aniya ng ayuda ang private school employees sa ilalim ng Bayanihan 1, pwedeng hindi na ito isama sa Bayanihan 2.
Hiniling ng mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) na tukuyin ang potential beneficiaries.