COVID-19 ICU beds ng St. Luke’s Medical Center sa QC, BGC umabot na sa full capacity

Inanunsiyo ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City (BGC) na umabot na sa full capacity ang kanilang COVID-19 intensive care unit (ICU) beds.

Dahil dito, humiling ang ospital sa publiko na ikonsidera ang pagdadala ng COVID-19 suspects na may malubhang karamdaman sa ibang alternatibong ospital.

“In this regard, we request the public to consider bringing critically ill COVID-19 suspects to alternative hospital so they will receive immediate and utmost care,” paliwanag ng SLMC.

Sinabi ng ospital na maglalabas sila ng abiso kapag nagbukas na muli para sa COVID-19 ICU beds.

Sa ngayon, tuloy pa rin naman anilang in-aaccommodate ang admission at treatment ng non-COVID-19 cases kabilang ang outpatients procedures.

“We appeal to the public to avoid complacency and strictly adhere to health protocols and preventive measures against COVID-19,” dagdag pa nito.

Read more...