Higit 28,000 kaso ng COVID-19, nadagdag sa India

Mahigit 28,000 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 13), pumalo na sa 878,254 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 301,609 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 18,850 ang mga gumaling.

Dahil dito, 553,471 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 23,174 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...