Dalawa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa pang residente sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, tinamaan ng nakakahawang sakit ang 24-anyos na lalaki mula sa Purok 5 Upper Fairview.

Nagkaroon ng contact ang pasyente sa isang COVID-19 patient.

Nagpositibo rin ang 30-anyos na babae mula sa Holyghost Ext. na may travel history sa Atok, Benguet.

Nagsasagawa na ng contact tracing, quarantine, disinfection at medical protocols.

Sa kabuuan, umabot na sa 53 ang confirmed COVID-19 cases sa Baguio City kung saan pito pa ang aktibong kaso.

Read more...