Sa datos hanggang 10:00, Lunes ng umaga, July 13, umabot na sa 607 ang total recoveries sa nasabing rehiyon.
Ito ay 94 porsyento sa 646 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa Eastern Visayas.
Dahil dito, nasa 36 na lamang ang active cases sa rehiyon.
484 sa mga kaso ay nakuha ang nakakahawang sakit sa labas ng rehiyon habang 163 naman ang locally acquired.
Samantala, umabot sa 104 na healthcare workers sa Eastern Visayas ang tinamaan ng COVID-19.
Sa ngayon, 103 na ang naka-recoever at isa na lang ang aktibong kaso.
MOST READ
LATEST STORIES