Limang katao ang sugatan dahil sa pagkakasunog ng isang Lumad dormitory sa United Church of Christ in the Philippines, Haran Compound, Davao City.
Ayon kay Gabriela Party List Rep. Luz Ilagan, naganap ang sunog alas-2:00 ng madaling araw kanina (Miyerkules).
Limang hindi pa nakikilalang suspek ang sinasabing sumunog umano sa Lumad dormitory, at nadamay pa ang bishop’s residence na sa loob din ng compound.
Kabilang sa mga sugatan ay dalawang bata.
Mahigit pitong daan Lumad evacuees ang nananatili sa Haran compound, matapos mapaalis sa kani kanilang tahanan.
Bunsod ng panibagong insidente, iginiit ni Ilagan na maimbestigahan ito, lalo’t posibleng uri umano ito ng harassment.
Batay naiya sa ilang saksi, may komosyon na naganao bago nagkaroon ng sunog, at nakaamoy din ng gasolina ang mga evacuee.
May anggulo rin, ani Ilagan, na ang iscidente ay kagagawan ng “Alamara”, na isang paramilitary group na suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP).