Shabu pushers sa Pandacan at Binondo, arestado

File Photo / Erwin Aguilon
File Photo / Erwin Aguilon

Arestado ang kilalang drug pusher na si Bart Guyon sa Anti-Illegal Drugs Operation ng Manila Police District Station 11 sa mismong bahay nito sa San Miguel road, Brgy.287, Binondo, Maynila.

Sinabi ni Police Supt. Romeo Macapas, hepe ng MPD st.11, naaresto ang suspek na si Guyon sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court dahil sa kasong na pagtutulak ng ilegal na droga.

Nakuha mula kay Guyon ang apat na sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P2,500, isang 38 revolver, apat na patalim at dalawang video karera.

Samantala, nahaharap naman sa patung-patong na kaso ang isa pang drug suspek na si Arlene Agda alyas “Uchay”, matapos mahulihan ng mga ilegal na droga sa mismong bahay nito sa Beata, Pandacan, Maynila.

Ayon kay MPD st. 10 Chief Supt. Edilberto Leonardo, matagal na nilang isinailalim sa surveillance si Agda na positibong tinukoy sa pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Agda, at narekober ang apat na sachet ng ipinagbabawal na gamot, tatlong sachet ng marijuana, drug paraphernalias at isang 38 revolver.

Mariin namang pinabulaanan ni Agda na sa kanya ang mga nakuhang iligal na droga at baril.

Read more...