Sen. Gatchalian ipinanukala ang pagsasagawa muna ng dry run sa blended learning

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa muna ng ‘dry run’ sa ipapatupad nila new normal learning plan bago ang inaasahang pagsisimula muli ng mga klase sa huling linggo ng susunod na buwan.

Diin ni Gatchalian napakahalaga ang dry run para matukoy ang mga hamon at agad mabigyan solusyon ang mga magiging isyu.

Aniya ang dry run ay dapat idisenyo sa mas piniling pamamaraan ngayon ng pagtuturo at pag-aaral sa bawat lokalidad.

Banggit niya sa isinagawang Learned Enrolment Survey ng DepEd, 7.2 milyon sa mga nag-enroll ang nagsabing mas gusto nila ang modular learning, telebisyon at radyo sa pagtuturo ng mga aralin at dalawang milyon lang ang mas pinili ang online learning.

Sa modular learning, dadalhin sa mga estudyante ang print-out copies ng kanilang mga aralin at aniya dapat ay pag-aralan na ng LGUs kung paano ito ligtas na ikakasa.

Dapat din aniya magkaroon ng assessment sa mga mag-aaral kung epektibo sa kanila ang modular learning at diin ni Gatchalian kailangan ay matiyak na sa sususunod na taon ay aangat sa susunod na grade level ang estudyante.

“Nais nating masiguro na matututuo ang ating mga mag-aaral at mananatili silang ligtas sa gitna ng kasalukuyang pandemya. Kung hindi matututo ang ating mga mag-aaral, mag-aaksaya lamang tayo ng panahon at masasayang ang buwis na ginagasta natin upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga mag-aaaral,” aniya.

 

 

 

Read more...