Ibinasurang franchise renewal ng ABS-CBN maaring iapela ayon sa isang kongresista

Iginiit ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na maaaring maghain ng apela ang ABS-CBN matapos tanggihan ng House committee on Legislative Franchises ang hirit nitong panibagong prangkisa.

Sabi ni Rodriguez, isa sa mga may-akda ng franchise bill, pwedeng kontrahin ng network ang findings ng techical working group sa mga isyu hinggil sa dati nilang prangkisa.

Anya bilang private bill, aplikante sa Kongreso at bilang korporasyon, may karapatan ang ABS-CBN na maghain ng motion for reconsideration.

Ipinunto rin nito na hindi unanimous ang desisyon ng TWG na irekomenda ang pagbasura sa panukalang mabigyan ng bagong prangkisa ang giant network.

Dahil sa pagsalungat ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, mas may dahilan anya ang ABS-CBN na umapela.

Para sa kongresista, walang basehan sa katotohanan at sa batas ang naging pasya ng Legislative Committee dahil sa mga pagdinig ay nilinis ng kaukulang mga ahensya ng gobyerno sa anumang paglabag ang ABS-CBN.

 

 

 

 

Read more...