Ayon kay Cabinet Secretary at IATF co-chairman Karlo Nograles, dalawang opsyon ang kanilang ilalatag kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una kinakailangan lamang na maging mabilis ang local government units sa pag aksyon kapag muling tumaas ang kaso ng COVID-sa kani-kanilang lugar.
Dapat aniyang isailalim kaagad sa 14 na araw na quarantine ang isang lugar.
Ikalawa naman ay maaring panatilihin ang GCQ para para mabigyan ng panahon ang mga mayor na ma-exercise ang kanilang kapangyarihan para sa localized communuty quarantine.
Nasa ilalim ng GCQ ang Metro Manila hanggang sa July 15.
MOST READ
LATEST STORIES