Bagyong Carina bumagal at nabago ang direksyon; Signal #1 nakataas sa tatlong lugar

Nabago ang direksyon at bahagyang bumagal ang kilos ng tropical depression Carina.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA 15 kilometers kada oras na ang kilos ng bagyo at kumikilos na ito ng northwest.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 245 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands at sa northeastern portion ng mainland Cagayan kabilang ang mga bayan ng Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, eastern Lal-lo, eastern Gattaran, at eastern Baggao.

Ngayong araw ang bagyong Carina ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Isabela.

Mahina hanggang sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, at northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.
Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, alalabing bahagi ng Central Luzon, at nalalabing bahagi ng CALABARZON, Mindoro Provinces, Marinduque, at Camarines Norte.

Sa Miyerkules ay inaasahang hihina na at magiging Low Pressure Area na lamang muli ang bagyo.

 

 

 

Read more...