Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 13 million na

Umakyat na sa mahigit 13 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 13,028,182 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng halos 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,413,995.

Sa magdamag ay mahigit 58,000 ang naitalang bagong kaso sa US.

Ang Brazil naman ay nakapagtala ng mahigit 25,000 na bagong kaso sa magdamag, at mahigit 29,000 new cases ang naitala sa India.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,866,176
India – 879,466
Russia – 727,162
Peru – 326,326
Chile – 315,041
Spain – 300,988
Mexico – 295,268
UK – 289,603
Iran – 257,303

 

 

Read more...