Sandiganbayan isinailalim sa lockdown, 2 empleyado nagpositibo sa COVID-19

Pansamantalang tigil muna ang operasyon ng Sandiganbayan ngayong araw.

Ito ay makaraang dalawang emplayado nito ang magpositibo sa COVID-19.

Sa inilabas na memorandum ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, nagdaos ng emergency meeting ang Sandiganbayan en banc matapos na magpositibo sa swab test ang dalawa nilang empleyado.

Napagpasyahan ng en banc na isara ang Sandiganbayan at agad magsagawa ng contact tracing at monitoring sa mga empleyado nito.

Tiniyak naman ni Tang na magpapatuloy sa trabaho ang mga mahistrado at empleyado ng anti-graft court.

Ang mga mayroong transaksyon sa Sandiganbayan ay pinapayuhan na tumawag sa hotline o mapadala ng email na matatagpuan sa Sandiganbayan website.

 

 

Read more...