DOTr nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Fejodap President Zenaida Maranan

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Transportation sa pagpanaw ni Fejodap President Zenaida Maranan.

Si Maranan ay pumanaw noong Sabado sa edad na 75.

Sa pahayag ni DOTr Sec. Arthur Tugade, sinabi nitong haligi ng sektor ng pampublikong transportasyon si Maranan partikular na sa sektor ng pampasaherong jeep.

Kinilala ni Tugade ang mga naging ambag ni Maranan para maisaayos at mapaunlad ang grupo ng mga tsuper at operators.

 

 

 

Read more...