Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City 1,494 na

Nadagdagan pa ng 29 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update hanggang Linggo ng hapon July 13), kabuuang 1,450 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Bagumbayan, Hagonoy, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Tuktukan, Central Bicutan, South Daang Hari, at Western Bicutan.

Ang Barangay Fort Bonifacio ang mayroong pinakamaraming kaso na umabot na sa 414.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:

– Bagumbayan – 46
– Bambang – 22
– Calzada – 36
– Hagonoy – 22
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 23
– Lower Bicutan – 199
– New Lower Bicutan – 53
– Napindan – 8
– Palingon – 5
– San Miguel – 19
– Sta. Ana – 32
– Tuktukan – 23
– Ususan – 66
– Wawa – 18
– Central Bicutan – 35
– Central Signal – 26
– Katuparan – 10
– Maharlika Village – 18
– North Daang Hari – 52
– North Signal – 21
– Pinagsama – 80
– South Daang Hari – 51
– South Signal – 45
– Tanyag – 14
– Upper Bicutan – 46
– Western Bicutan – 80

Nasa 545 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 23 na ang pumanaw.

Ang Taguig ay mayroon ngayong 832 na aktibong kaso

 

 

 

Read more...