Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 307 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-3:32 madaling araw ng Lunes (July 13).

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...